PEACE TALKS | Isinusulong na localized peace talks ng Duterte Administration, tinanggihan ng CPP-NPA-NDF

Manila, Philippines – Tinanggihan ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang localized peace talks na isinusulong ng Duterte Administration.

Katwiran ng CPP, pagpapanggap lang naman ito at wala ring patutunguhan ang localized peace talks na anila ay pagsasayang lang ng pera ng mga mamamayan.

Ayon pa sa pahayag ng CPP, magagamit lang ang localized peace talks sa katiwalian dahil tanging mga local official at militar lamang ang makikinabang dito.


Una nang sinabi ng Malacañang na maglalabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order (EO) na maglalaman ng guidelines para sa localized peace talks.

Facebook Comments