PEACE TALKS | Joma Sison, tinawag na isip bata at ulyanin ng DND at AFP

Manila, Philippines – Hindi na nagtaka pa si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pabago bagong pahayag ni National Democratic Front of the Philippines Chief Political Consultant Joma Sison kaugnay sa isinusulong na usapang pangkapayapaan.

Ayon kay Sec Lorenzana, una nang nagmamakaawa si Sison na ituloy ang peacetalks ngunit bigla na lamang ito nagpahayag na hindi na sya makikipag negosasyon sa gobyerno at nagbanta pa ng destabilisasyon sa administrasyong Duterte.

Sa huling pahayag pa ni Sison pinabulaanan na naman nito na hindi nya desisyon ang pagsuspendi ng peace talks ito aniya ay desisyon ng National Counil ng NDF.


Sinabi ni Lorenzana na bilang sagot sa pagiging batang isip ni Sison ay itutuloy pa rin nila ang pagsulong ng localized peacetalks

Naniniwala si Lorenzana na kapag hindi na kasama sa isinusulong na peacetlaks si Sison ay mas matutuloy ang peacetalks at magkakaroon ng totoong kapayapaan.

Sinabi naman ni AFP public affairs office Chief Col Noel Detoyato na ulyanin na talaga si Sison dahil nakakalimutan na nito ang kanyang mga naunang pahayag patungkol sa peace talks.

Facebook Comments