PEACE TALKS | Localized peace talks sa rebeldeng NPA, inaprubahan

Manila, Philippines – Inaprubahan ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hiling nito na magkaroon ng localized peace talks sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang localized peace talks ay walang tatalakayin tungkol sa no coalition government o power sharing, no revolutionary taxation, extortion at iba pang karahasan.

Matatandaang naging atrasado ang backchannel talks nito sa National Democratic Front (NDF) nitong Hunyo.


Ang NDF ang kumakatawan sa Communist Party of the Philippines (CPP) at NPA sa usapang pangkapayapaan sa gobyerno.

Facebook Comments