PEACE TALKS | Maibabalik pa kaya?

Manila, Philippines – Naniniwala si Government Peace Panel Chief Negotiator Silvestre Bello III na may posibilidad pang manumbalik ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDF).

Ayon kay Bello, malinaw sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito isinasara ang pinto sa negosasyon.

Aniya, kailangan lang manumbalik ang “conducive environment” sa magkabilang panig.


Samantala, kinumpirma naman ni Bello na naipaalam na sa Norwegian government ang suspesyon ng peace talks at malugod nitong tinanggap ang desisyon ng Punong Ehekutibo.

Facebook Comments