PEACE TALKS | Mga NPA infested area, kabilang sa magiging target ng public consultation ng pamahalaan

Manila, Philippines – Inihayag ni Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza na isasama nila sa konsultasyon ang mga NPA infested area sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Ito ang sinabi ni Dureza matapos ianunsiyo kahapon na hindi na muna itutuloy ang pormal na muling pagsisimula ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines, New Peoples Army, National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.

Idinahilan ni Dureza na kailangang magkaroon ng public consultation bago pa man ituloy ang usapan para malaman ang sentimyento ng publiko sa usapin ng peace talks.


Paliwanag ni Dureza, gusto nilang malaman direkta mula sa mga tao sa mga lugar na mayroong NPA.

Bukod sa mga NPA infested areas ay ikakasa din ang konsultasyon sa ibat-ibang stakeholders dahil ang gusto aniya ni Pangulong Duterte ay kunin ang saloobin ng maraming sector bago pa pormal na umpisahan ang peace talks.

Facebook Comments