Manila, Philippines – Ikinatuwa ng mga mambabatas mula sa oposisyon ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat, miyembro ng Liberal Party sa Kamara, nagagalak siya sa naging desisyon ng Pangulo.
Aniya, tiyak na ang mga nasa frontline sa pakikipaglaban ay pagod na rin dahil nalaagay lamang sa panganib ang kanilang buhay at wala namang nakukuhang maganda dito ang kanilang mga pamilya.
Umaasa siya na ang dalawang panig ay haharap muli `in good faith` at seryosong reresolbahin ang problema sa insurgency.
Para naman kay Magdalo PL Rep. Gary Alejano, isa itong welcome development dahil muling naisip na ang peace talks lamang ang solusyon sa matagal ng problema sa pakikibaka.