Peace talks ng gobyerno at CPP-NPA-NDF, dapat munang pag-aralan

Naniniwala si National Security Adviser Hermogenes Esperon na dapat munang pag-aralan muna ang muling pagbabalik ng usapang pangkapayapaan ng gobyerno at sa CPP-NPA-NDF.

Ayon kay Esperon na siya ring Vice President ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, inilatag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kondisyon para sa pagbuhay ng Peace Talks.

Aniya, dapat isagawa ang peace talks sa Pilipinas, wala rin dapat precondition sa Joint Agreement of Safety and Immunity Guarantees.


Mahalagang marepaso ang Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms o CASER.

Dapat ding mabago ang mga bumubuo sa Government Peace Panelo.

Tingin ni Esperon, iba ang layunin ng npa hinggil sa usapin.

Nanindigan naman si Defense Sec. Delfin Lorenzana na hindi sila magdedeklara ng holiday ceasefire.

Tugon naman ni Communist Leader Ose Maria Sison, kahit magkaroon ng holiday ceasefire, huwag umasa ang gobyerno na ibababa ng npa ang kanilang armas.

Matatandaang inatasan ng Pangulo si Labor Sec. Silvestre Bello III na kumbinsihin si Sison na umuwi ng Pilipinas para dito ituloy ang Peace Talks.

Facebook Comments