Pormal nang winakasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks ng gobyerno sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Ito ang anunsyo ng Pangulo pagkatapos niyang buwagin ang government peace negotiating panel na pinamumunuan ni Labor Secretary Silvestre Bello III.
Sa kanyang talumpati sa 122nd Anniversary ng Philippine Army sa Taguig City, hindi na siya tatanggap ng anumang panghihimasok o paghihikayat sa demokratikong bansang ito.
Nagbabala rin ang Pangulo sa mga rebeldeng komunista na ihinto na ang pagkakamkam nila ng lupa.
Inatasan na rin ni Pangulong Duterte ang militar na paigtingin ang operasyon laban sa mga rebeldeng komunista.
Pero umaasa rin ang Pangulo na marami pa ring rebelde ang susuko sa gobyerno.
Sa kabila nito, bubuo ang gobyerno ng bagong peace panel na mangangasiwa ng localized peace engagements.