Peace talks ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines, malabo pang ipagpatuloy

Manila, Philippines – Imposibleng maipagpatuloy ang peace talks ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ayon kay Peace Panel Chief Negotiator at Labor Sec. Silvestre Bello III, mananatili ang deadlock hangga’t hindi inihihinto ng myembro ng New People’s Army ang paglusob sa mga vital installations ng pamahalaan.

Una nang sinabi ng pangulo na sa susunod na pangulo na lamang ng bansa makipag-usap ang mga komunista.


Hindi pa ipinapadala ng pamahalaan ang formal letter of termination sa royal Norwegian government na siyang third party facilitator sa ginaganap na peace talks.

Facebook Comments