PEACE TALKS | OPAPP, magsasagawa ng public consultations hinggil sa mga naunang kasunduan ng gobyerno at NDF

Manila, Philippines – Magsasagawa ng public consultations ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) kasabay ng tatlong buwang pag-aaral sa lahat ng kasunduan sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front (NDF).

Ayon kay OPPAP Chief Jesus Dureza, makakatulong ang mga konsultasyon para makuha ang suporta ng publiko para sa peace efforts.

Kapag nagsagawa ng public consultations, maiintindihan ng publiko ang mga napagkasunduan ng magkabilang panig sa mga nauna nitong rounds ng peace talks.


Magkakaroon din ng engagement kasama ang mga OFW na gagawin nilang peace ambassadors.

Facebook Comments