PEACE TALKS | Pagpapakumbaba ng NPA, hinihintay ng gobyerno

Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang wala pa ring nagbabago sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkikipag-usap sa Communist Party of the Philippines, New Peoples Army, National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap na rin ng balita na nagsabi umano si CPP- Founding Chairman Joma Sison na handa siyang makipag-usap kay Pangulong Duterte.

Matatandaan na sinabi ng Pangulo na sarado ngayon ang kanyang administrasyon para makipag-usap sa teroristang grupo dahil sa kanilang mga ginawang pag-atake sa mga puwersa ng pamahalaan at maging sa mga sibilyan.


Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, alam naman ng NPA na sinseridad ang hinihingi ni Pangulong Duterte para bumalik sa negotiating table ang pamahalaan.

Binigyang diin ni Roque na pagpapakumbaba at sinseridad ang kailangan para magbago ang posisyon ng Pangulo at hindi aniya magbabago ito hanggang hindi makakamit ang kondisyon.

Facebook Comments