PEACE TALKS | PRRD, dudang magkakaroon pa ng maayos na peaceful negotiations kay Joma Sison

Manila, Philippines – Duda si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon pa ng maayos na negosasyon kay Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison.

Ayon sa Pangulo, hindi niya maaring pagbigyan ang hiling ng mga rebelde na magkaroon ng coalition government.

Aniya, wala siyang kapangyarihan na ipagbigay na lang ang sovereign powers ng gobyerno.


Una nang sinabi ng Pangulo na tuluyan nang masusugpo ang mga rebeldeng komunista sa susunod na taon.

Facebook Comments