PEACE TALKS | PRRD, iginiit na hindi dapat idaan sa rebolusyon ang pagsusulong ng pagbabago sa bansa

‘Evolution, hindi revolution!’

Ito ang iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga rebeldeng komunista upang matapos na ang lagpas dekadang insurhensya laban sa gobyerno.

Ayon kay Pangulong Duterte, wala na siyang balak pang makipag-usap sa mga makakaliwa.


Dagdag pa ni Duterte, masyadong arogante si Communist Party of the Philippines (CPP) Leader Jose Maria Sison dahil sa pagiging arogante nito.

Binigyang diin ng Pangulo, kung nais nilang magkaroon ng mabuting pagbabago ang bansa, hindi dapat ito dinadaan sa rebolusyon.

Sinabihan din ng Pangulo si Sison na huwag nang umuwi ng Pilipinas dahil sasampalin niya ito.

Nabatid na kinansela ng Pangulo ang peace talks sa communist rebel group bilang tugon sa patuloy na pag-atake nito sa tropa ng pamahalaan at iba pang komunidad.

Matutuloy lang ang peace talks kung mapapatupad ang mga rebelde ng ceasefire, ititigil ang extortion at ihinto ang pagpupumilit sa coalition government.

Facebook Comments