Manila, Philippines – Nakiusap ngayon ang Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng teroristang grupong Abu Sayyaf na huwag na siyang gawing target.
Sa naging talumpati ni Pangulong Duterte sa ginawa niyang pagdalaw sa mga pamilyang nasunugan sa Jolo, Sulu wala naman daw mapapala ang Abu Sayyaf kung sakaling pagplanuhan siya ng hindi maganda.
Iminungkahi pa ng Pangulo na daanin na lang sa pag-uusap ang problema dahil ang mga mahihirap ang siyang kawawa kung magpapatuloy ang ganitong uri ng laban.
Sinabi pa ni Duterte na ang kaniyang pamilya ay may linyang Maranao at Tausug kaya at mahihirapan muling makapaghalal ang bansa ng presidenteng may dugong Moro.
Inalok din ng Pangulo ang mga miyembro ng Sayyaf ng order of Lapu-Lapu kung saan ito ay isang medalyang ipinagkakaloob sa isang government employee o pribadong indibidwal na nagpamalas ng hindi matatawarang serbisyo na alinsunod sa kampanya o adbokasiya ng Pangulo.