Manila, Philippines – Hindi pa handa si Pangulong Rodrigo Duterte na makipagusap sa Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.
Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa kanyang pagdalo sa Mascara Festival sa Bacolod City.
Ayon kay Pangulong Duterte, 50 taon nang nagbabakbakan ang gobyerno at ang mga rebelde at dapat na itong matigil.
Sinabi ng Pangulo na sa ngayon ay hindi pa siya handang makipagusap ulit sa NPA dahil sa patuloy na pagatake nito sa mga pwuersa ng Pamahalaan.
Kaya naman umapela si Pangulong Duterte sa mga rebelde na kung maaari lang ay itigil na ang patayan.
Matatandaan na una nang sinabi ni Pangulog Duterte na kailangan niyang kausapin ang NPA dahil isa ito sa mga problemang kinakahrap ng kanyang adminsitrasyon bukod pa sa Terorismo at iligal na droga.
Una narin namang sinabi ni Government Chief Negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi pa tuluyang pinuputol ni Pangulong Duterte ang posibilidad na makipagkasundao sa NPA.
Peace Talks sa NPA, wala pang direksyon sa ngayon
Facebook Comments