Manila, Philippines – Sa susunod na dalawang buwan, maaari na muling isagawa ang peace talks sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Sinabi mismo ito ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison.
Aniya, tuloy-tuloy pa rin naman ang back channel talks ng mga negosyador.
Una nang kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ikalimang round ng usapang pangkapayapaan matapos na hikayatin ng CPP ang New People’s Army na gumawa ng mga pag-atake bilang pagtutol sa idineklarang martial law ng Pangulo sa buong Mindanao.
Kasunod ito ng nangyayaring krisis ngayon sa Marawi City.
DZXL558
Facebook Comments