Manila Philippines – Nilinaw sa interview ng RMN ni GRP Panel Chair Silvestre Bello III na wala pang ipinag-uutos si Pangulong Rodrigo Duterte para makipag-usap kay CPP-NDF founding Chairman Joma Sison.
Kasunod na rin ito ng report na nakatakdang makipag-pulong ang Pangulong Duterte kay Sison kaugnay sa usapin ng peace talks, anumang araw ngayong linggo sa China.
Ayon kay Bello, walang ganun kautusan dahil hindi pa sila nakakapag-usap ni Pangulong Duterte.
Pero, sinabi ni Bello na sakaling may go signal na mula sa Pangulo ay agad siyang gagawa ng paraan.
Bukod sa China, kabilang din sa mga napipisil na pagdausan ng posibleng pag-pupulong nina Duterte at Sison ay ang Vietnam, Korea, at Japan.
Facebook Comments