PEACEFUL MOTORCADE, MULING ISINAGAWA NG MGA TAGA-SUPORTA NI FPRRD SA PANGASINAN

Muling nagsagawa ng peaceful motorcade ang mga taga-suporta ni Former President Rodrigo Roa Duterte sa Pangasinan bilang pagpapahayag ng kanilang suporta at pagbati sa kaarawan nito, kahapon.

Ayon sa mga supporters nito na nag-organisa ng naturang motorcade, ito ay muling pagpapahayag ng kanilang ekspresyon, suporta at ang patuloy na panawagan na pauwiin na sa bansa ang dating pangulo.

Tinatayang nasa isang libo ang nakiisa sa naturang aktibidad na mula sa mga iba’t-ibang motorcycle riders club at organisasyon sa lalawigan.

Nagsimula ang naturang motorcade sa bahagi ng Bonuan Tondaligan at nagtapos sa bahagi ng Mangaldan kung saan ginanap pa ang candle lighting at panalangin para sa dating pangulo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments