Manila, Philippines – Payapa pa rin sa kabuuan ang paggunita ng undas sa buong bansa.
Ito ang pagtaya ng Philippine National Police hanggang sa mga oras na ito.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Benigno Durana, walang naitatalang anumang untoward incident at nanatiling payapa.
Batay rin sa monitoring ng PNP National Operation Center kabuuang 140 na mga bawal na bagay ang nakumpiska sa ilang sementeryo sa bansa.
Kabilang dito ay tatlo baril sa region 4A at dalawang baril sa region 11.
21 sachets ng iligal na droga sa NCR at region 11.
106 na mga bladed weapons maraming nakumpiska sa mga sementeryo sa NCR, 16 sa region 4A, 3 sa region 6 at 18 sa region 11.
Nakumpiska rin ang 3 bote ng alak,3 gambling materials at 2 karaoke.
Nagpapatuloy naman ang monitoring ng PNP sa lahat ng sementeryo sa buong bansa upang matiyak na magiging payapa ang paggunita hg undas.