MANILA – Muling maghaharap sa Oslo, Norway sa Oktubre 6 hanggang 10 ang mga negosyador ng gobyerno ng Pilipinas at CPP-NPA-NDF.Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Atty. Jesus Dureza, ito ay para ipagpatuloy ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at rebeldeng grupo.Aniya, tatalakayin sa nasabing peace talks ang may kaugnayan sa mekanismo ng ceasefire, socio economic reforms at mga bagay na para sa kapayapaan.Inamin ng opisyal na nakikita nito ngayon ang malaking sinsiridad ng rebelde sa peace talks matapos na walang narinig na malaking problema sa ipinapatupad na unilateral ceasefire.
Facebook Comments