Peak ng COVID-19 cases sa Metro Manila, maaaring nagsisimula– OCTA Research Group

Inihayag ng OCTA Research Group na maaaring nagsisimula na ngayon ang peak ng COVID-19 cases sa kalakhang Maynila.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA, nasa 5 percent na lamang ang daily growth rate ng moving average sa NCR na mas mababa kumpara sa 11 percent noong Miyerkules.

Bumaba na rin aniya ang Reproduction Number o bilis ng hawahan ng virus sa NCR sa 3.77 noong Enero 10 mula sa 6.12 noong Enero 3.


Sa kabila nito, sinabi ni David na hindi pa rin dapat makampante ang publiko at inaasahang sa mga susunod na araw pa mabibigyang linaw ang kasalukuyang COVID-19 trend sa Metro Manila.

Facebook Comments