Peak ng COVID-19 cases sa NCR, posibleng maitala sa mid-January; arawang kaso, papalo sa 40,000

Magtutuloy-tuloy pa ang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa hanggang sa Pebrero bunsod ng mas nakakahawang Omicron variant.

Ayon kay Prof. Jomar Rabajante ng UP Pandemic Response Team, posibleng maitala ang peak ng COVID-19 sa Metro Manila sa ikatlong linggo ng Pebrero.

Pero maaari itong mapaaga sa January 15 kung magpapabaya ang publiko sa pagsunod sa minimum public health standards.


Babala pa ni Rabajante, posibleng pumalo sa 20,000 hanggang 40,000 ang maitalang daily COVID-19 cases oras na maabot ang peak.

Facebook Comments