Posibleng maabot ang peak ng COVID-19 pandemic sa Metro Manila sa kalagitnaan hanggang sa huling linggo ng Mayo.
Batay ito sa inilunsad na endcov.ph ng isang response team ng University of the Philippines (UP).
Ayon kay Teodoro Herbosa, co-lead ng UP Covid-19 response team, ang endcov.ph ay isang real-time dashboard ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa na tumutukoy sa curve ng pandemic at kinakalkula ang reproductive number ng virus sa isang lugar.
Aniya, inaasahang tataas pa ang mga nagpo-positibo sa sakit dahil sa dumadaming testing centers sa bansa.
Gayunman, hindi pa rin aniya sapat ang testing capacity na ginagawa para matukoy ang peak ng pandemic.
Facebook Comments