PEBBLE PICKING SA LUNA, LA UNION, MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpupulot ng maliliit na bato o pebble picking sa mga baybayin at iba pang lugar sa Luna, La Union.
Ito ay bilang striktong implementasyon ng Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) Resolution No. LU-2021-02, series of 2021 o ang limang taon na moratorium sa special permit ng pebble picking mula sa Pamahalaang Panlalawigan.
Kaugnay nito, naglagak ng signages ang lokal na pamahalaan sa mga baybayin ng Barangay Nalvo Norte, Magallanes, Santo Domingo Sur, at Victoria bilang paalala sa mga residente at turista sa pagsunod sa ordinansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments