PECHAY NA TANIM SA BARANGAY TEBENG DAGUPAN CITY PATOK SA MGA RESIDENTE

Matingkad na kulay berde at mayabong na dahon ang bubungad sa mga residente ng Barangay Tebeng, Dagupan City hudyat na handa nang anihin ang mga pechay na itinanim.

Sa pamamagitan ng proyektong Hydroponic Farming napayabong nila ang mga pananim na pechay ng hindi nangangailangan ng lupa. Patunay ng mataas na kalidad at sustansyang taglay ng gulay.

Labis ang tuwa ng mga residenteng unang nakatanggap ng pechay dahil ito’y libre, masustansya at swak na pansahog sa nilaga o ginisang ulam.

Isa itong malaking tulong sa araw-araw na pangangailangan ng bawat pamilya, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.

Samantala bukod sa pechay, marami pang gulay ang swak sa Urban Gardening na kanilang pwedeng subukan upang ang bawat residente ay magkaroon ng sariling gulay kahit sa maliit na espasyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments