PECO, nagdagdag-bawas na naman ; alegasyong tumaas ang systems loss sa Iloilo sa ilalim ng mga power, mula sa maling kumpyutasyon

 

Kinastigo ng Distribution Utility na More Electric and Power Corp(More Power) ang panibagong panlilinlang at pagsisinungaling sa mga Ilonggo ng Panay Electric Company(PECO) matapos palabasin na tumaas ang systems loss na sinisingil sa mga consumers na ang numero ay base sa maling kumpyutasyon.

Binatikos din ng More Power ang PECO sa paggamit nito sa grupong Koalisyon Bantay Kuryente(KBK) na kaalyado nito, na una nang nagpahayag sa isang virtual pressconference na umabot sa 7.1% ang sinisingil na systems loss sa mga consumers ng More Power na mataas sa 6.5% na sya lamang itinatakda ng Energy Regulatory Commission.

Ipinaliwanag ni More Power Spokesperson Jonathan Cabrera na ang systems loss computation ni KBK President Jose Allen Aquino ay ibinase sa maling formula, tanging generation charge lamang ang isinama nito sa kumpyutasyon na ang tama ay kasama maging ang transmission charge.


Kung susundan umano ang formula na ginamit ng KBK halimbawa sa billing ng PECO noong Pebrero 2020 ay bubuwelta din sa kanila ang kanilang akusasyon dahil lalabas na nasa 8.13% ang kanilang systems loss na mas mataas pa rin kaysa sa ipinalalabas nila laban sa More Power.

Ipinaliwanag ni Cabrera na mula nang magsimula ng operasyon ang More Power noong Pebrero ay nasa 6% systems loss lamang ang kanilang sinisingil sa mga consumers at bababa pa ito pagsapit ng 2021 na aabot na lamang sa 5.50% at sa 2022 ay 4.75%.

Mula noong Mayo 2018 ay nagtakda na ng system loss cap ang ERC na sya lamang pwedeng singilin sa mga consumers, ang sosobra sa itinakdang cap ay papasanin na ng mga Distribution Utility kaya naman sa panig ng More Power ay pinagbubuti nito ang kanilang distribution system at buong pasilidad at hinahabol ang mga gumagamit ng jumper upang hindi lumaki ang kanilang systems loss na ang kumpanya din ang papasan.

Matatandaan na una na ding pinalobo ng PECO ang numero sa naranasang brownout sa Iloilo simula Pebrero 16,2020 hanggang Hulyo 16, 2020 na ginawang 412 oras gayong nasa kabuuang 182 oras lamang ang power interruption para palabasin ang incompetence ng kumpanya.

Pinuna ni More Power President and CEO Roel Castro ang kawalang “etiquette” ng Panay Eletric Company(PECO) dahil na rin sa patuloy na pagpapalabas nito ng mga mali maling isyu at paggagawa ng ibat ibang “tricks” para lamang linlangin ang mga consumer at guluhin ang power supply service sa Iloilo City.

Sinabi ni Castro na may 2 taon na mula nang simulan nilang iextend ang kanilang “reconciliation hand” sa PECO para sa kapakanan ng mga consumers subalit wala silang nakuhang kooperasyon o anuman mula sa dating distribution utility.

“the relationship of More Power and PECO should not be viewed as a corporate war. More Power has nothing to do with PECO. We are here in Iloilo City not because we are after PECO but we are after the sorry state of facilities here, plagued with complaints of poor service, customer case and high electricity rates”paliwanag ni Castro.

Aminado si Castro na masakit para sa panig ng PECO management ang pagkawala ng kanilang may 100 taong negosyo subalit nasa linya umano sila ng public utility at hindi pansariling interes ang dapat na mangibabaw kundi ang kapakanan ng mga power consumers at ng bung lalawigan sa kabuuan.

“There are consumers involved here, if PECO look at that perspective then they really should give way. We respect and understand that what they’re going through is painful, but at the end of the day, it’s the court and the regulator that will decide on the matter, whatever and whoever is affected should respect the decision”paliwanag ni Castro.

Ang PECO ay una nang binawian ng legislative franchise ng Kongreso dahil na rin sa hindi maayos na serbisyo at reklamo ng madalas na insidente ng sunog at brownout sanhi ng kanilang sira sira nang mga pasilidad, kasunud nito ay tinanggalan na din sila ng Certificate of Public Convenenience and Necessity(CPCN) at business permit mula sa Iloilo City Government.

30

Facebook Comments