*Cauayan City, Isabela- *Inaasahan ng Punong Lungsod ng Cauayan na babanggitin ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address o SONA na isa sa mga maiinit na usapin sa bansa ay ang Pagsusulong nito sa sistemang Pederalismo.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay City Mayor Bernard Dy, bagamat hindi pa umano matukoy kung ano ang mga babanggitin ng Pangulo sa kanyang pananalita sa Lunes, Hulyo 23, 2018 ay inaasahan ng alkalde na sasambitin nito ang Pederalismo, pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa TRAIN Law, pagsugpo sa iligal na droga at mga nagawa nito bilang Presidente ng Pilipinas.
Aniya, Wala naman umanong perpektong Sistema ng pamahalaan subalit maaari umano itong mabago at wala rin umanong masama kung susubukan ang isinusulong na Pederalismo ng Pangulo na tungo umano sa pagbabago.
Pagkatapos ng SONA ay magkakaroon ng pulong ang mga alkalde ng mga Lungsod nitong biyernes upang pag-usapan ang mga bagay-bagay na dapat tutukan ng isang alkalde sa kanyang nasasakupan.
Ayon pa sa alkalde, magkakaroon umano ng pulong ang mga City Mayor’s nitong darating na biyernes upang pag-usapan ang mga bagay-bagay na dapat nilang tutukan para sa kanilang nasasakupan.