PEDERALISMO | NEDA, pinag-iingat ang gobyerno sa pagsusulong ng federal charter

Manila, Philippines – Pinayuhan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang gobyerno na mag-ingat sa pagsusulong pederalismo.

Paliwanag ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, anumang maling hakbang sa pagpapatupad ng federal form of government ay posibleng magresulta ng pagkaubos ng pondo ng gobyerno at maantala ang mga programang imprastraktura.

Aniya, maaring maganda para sa ekonomiya ng bansa at sa mamamayan ang federalism pero dapat tiyakin muna na handa ang bansa para rito.


Inaasahang i-e-endorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang draft federal charter sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa July 23.

Facebook Comments