PEDERALISMO | Pagsusulong Federalism, muling iginiit ni PRRD

Manila, Philippines – Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsusulong ng Federalism sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr sa lanang, Davao City, sinabi ng Pangulo na kailangan nang alisin ang unitary form of government sa Pilipinas.

Kasabay nito, susubukan umano ng kanyang administrasyon na maipasa ang Bangsamoro Basic Law.


Umaasa aniya siya na makukumbinsi niya si MILF Chairman Nur Misuari na sumama sa pag-uusap para sa maitama o di kaya ay maidagdag ang mga probisyong kailangan lamanin ng BBL.

Facebook Comments