PEDERASYON NG MGA PWD SA ASINGAN, NANGUNA SA PAGPAPATAKBO NG ISANG COMMUNITY GARDEN

Nangunguna ang Pederasyon ng mga Persons with Disabilities (PWD) sa bayan ng Asingan sa pagpapatakbo ng isang community garden na nagsisilbing pinagkukunan ng sariwa at organikong gulay ng kanilang mga miyembro.

Sa kasalukuyan, inaani mula sa PWD Community Garden ang mga pananim na pechay at dahon ng kamote.

Nakatanim na rin ang iba pang gulay tulad ng patola, papaya, at kalabasa na inaasahang aanihin sa mga susunod na linggo.

Ayon sa mga namamahala, gumagamit lamang sila ng natural na pataba upang matiyak na mananatiling organiko at walang kemikal ang mga ani.

Ipinatupad din sa hardin ang sistemang “Pick and Pay” kung saan maaaring direktang bumili ang mga mamimili ng ani mula mismo sa mga miyembro.

Ang nalilikom na kita ay ginagamit upang suportahan ang mga programa at proyekto ng samahan.

Sa tala, may 1,269 na rehistradong PWD sa Asingan.

Bukod sa pagbibigay ng alternatibong kabuhayan at pagkain, nagsisilbi ring lugar ang community garden para sa pagtutulungan at pagbabahaginan ng kaalaman ng mga kalahok. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments