Pedestrian infrastructure ng EDSA, ininspeksyon ng DOTr, DPWH at Move As One Coalition

Nilakad ng mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Move As One Coalition mula One Ayala sa Makati hanggang EDSA hanggang Roxas Boulevard.

Ito’y para inspeksyunin ang kalidad ng pedestrian infrastructure.

Ayon sa DOTr, layon nitong makita ang kasalukuyang estado ng sidewalks, pedestrian lanes at iba pang imprastraktura sa EDSA na dinaraanan ng mga commuter at bikers.

Matatandaang nagsagawa rin ng kaparehas na inspeksyon ang DOTr at Move As One Coalition noong mga nakaraang buwan mula naman sa EDSA Makati hanggang EDSA Caloocan para makita rin ang estado ng pedestrian infrastructures.

Present naman sa aktibidad sina Transportation Sec. Giovanni “Banoy” Lopez, Public Works Sec. Vince Dizon at mga kinatawan mula sa Move As One Coalition.

Facebook Comments