PEDESTRIAN NA AKMANG TATAWID NG KALSADA, NABANGGA NG UTILITY TRUCK SA BUGALLON

Isang pedestrian ang nasugatan matapos mabangga ng isang utility truck habang akmang tatawid ng kalsada sa national road ng Barangay Samat, Bugallon, Pangasinan kagabi, Disyembre 31, 2025.

Batay sa ulat, ang 50-anyos na lalaki ay nasa gilid ng kalsada at papatawid nang aksidenteng mabangga ng utility truck na patungong timog.

Dahil sa insidente, nagtamo ng mga pinsala sa katawan ang biktima at agad na dinala sa pagamutan sa Dagupan City para sa agarang atensyon.

Hindi naman nasugatan ang 39-anyos na driver ng sasakyan at isinailalim sa physical examination sa Rural Health Unit.

Nagtamo rin ng pinsala ang sasakyan na inaalam pa ang halaga ng pagkukumpuni.

Dinala ang driver at ang nasabing sasakyan sa Bugallon Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon at imbestigasyon.

Facebook Comments