You're viewing an older RMN Networks article from our archives.

PEDIATIRC VACCINATION SA DAGUPAN NAATALA DAHIL SA KAWALAN NG SUPLAY

Isang linggo ng umanong naantala ang pagbabakuna sa mga batang nasa edad 12-17 anyos sa lungsod ng Dagupan.
Nakikipag-ugnayan na umano ang City Government Office ng Dagupan sa DOH para sa karagdagang suplay ng bakuna, lalo’t malapit lapit na ang pagsasagawa ng limited face-to-face classes.
Matatandaan na isa ang pagbabakuna sa requirement ng DepEd at CHED para makapagsagawa ng limited face-to-face classes.
Samantala, wala pang kasiguraduhan kung kalian manunumbalik ang pagbabakuna sa pediatric population ng lungsod. | ifmnews
Facebook Comments