Nabakunahan na ang 285 na bata sa dalawang araw na Pfizer-BioNTech pediatric vaccination rollout ng Armed Forces of the Philippines Health Service Command (AFPHSC) mula February 14 hanggang kahapon.
Ang mga batang naturukan ng unang dose ng bakuna ay mula 5 taon hanggang 11 taon gulang na dependents ng military at civilian personnel ng AFP.
Para naman mas maging kaaya-aya sa mga bata ang pagpapabakuna, may mga ikinabit na dekorasyong lobo at naglagay ng mga foodcart sa vaccination site sa AFPHSC Covered Court, Camp Victoriano sa V. Luna Avenue, Quezon City.
Ang pediatric vaccination drive ay pinangunahan nina Lt. Col. Vicente Vila II, at Maj. Carrol Mar Osia.
Facebook Comments