Pedicab Drayber, Hinostage ang Dalawang Anak!

20

Iguig, Cagayan- Hinostage ng mismong tatay ang dalawa nitong batang anak matapos makipag-alitan sa kanyang bayaw bandang alas diyes y medya ng umaga kahapon sa isang kumbento sa bayan ng Iguig, Cagayan.

Ang suspek ay kinilalang si Ronie Umaṅa, bente nuwebe anyos, isang pedicab drayber at residente ng Ilang-Ilang Street, Giginto, Bulacan,

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Cagayan Provincial Director Police Senior Superintendent Warren Tolito, nagkaroon umano ng misa ang byanan ng suspek para sa huli nitong hantungan subalit nagpaiwan ang suspek kasama ang dalawang anak.

Dinala ng suspek sa CR ang isang walong taong gulang at anim na taong gulang na anak sa pangalawang palapag ng kumbento at dito isinagawa ang panghohostage.

Agad namang nirespondehan ng mga kapulisan ang naturang hostage at nang hindi pa binibitawan ng suspek ang dalawang anak ay napilitan nang gibain ng kapulisan ang pintuan ng Cr at dito na dinakip ang suspek.

Napag-alaman na gumamit ng basag na tiles sa panghohostage ang suspek na ipinukpok rin sa ulo ng kanyang anak na agad namang itinakbo sa pagamutan para sa kanilang kaukulang lunas.

Hawak na ng PNP Iguig ang suspek at inihahanda na ang kasong Paglabag sa RA 7610 o Child Abuse laban kay Umaṅa.

Facebook Comments