Pedicab driver, arestado sa halos 1 taon umanong pangmomolestiya sa 12-anyos babae

889

Dinakip ng awtoridad ang isang pedicab driver na inireklamo ng panghahalay sa isang 12-anyos na babae sa Sta. Mesa, Manila.

Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang suspek na si Anthony Hernandez, 31, residente ng nabanggit na lugar.


Ayon sa ulat, inaresto si Hernandez sa kanyang bahay nitong Lunes, kasunod ng reklamo ng nanay ng biktima na minolestiya nito ang menor de edad mula Hulyo 2019 hanggang Marso ngayong taon.

Bukod dito, sinabi rin umano ng kamag-anak na nakatuklas ng insidente, na sinusundan ng suspek ang biktima sa pinapasukang eskwelahan.

Nasa kostudiya na ng pulisya si Hernandez na nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Rape Law of 1997 alinsunod sa Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Facebook Comments