PEDICAB DRIVER, NASAWI MATAPOS MAHULOG SA CAYANGA RIVER SA SAN FABIAN

Palutang-lutang sa ilog ang katawan ng isang lalaki matapos umanong mahulog sa Cayanga River sa San Fabian, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na isang 52 anyos na pedicab driver.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, aksidente umanong nahulog sa creek ang biktima habang minamaneho ang kanyang pedicab bandang alas sais pasado ng gabi noong September 17.

Hinihinalang lasing ang biktima nang mangyari ang insidente.

Nagsagawa ng search and rescue operation ang awtoridad ngunit bigong mahanap ang biktima maging ang pedicab nito.

Kinabukasan narekober ng awtoridad ang katawan nito na palutang lutang sa ilog. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments