Friday, January 30, 2026

Pedicab driver, sinaksak ang isang tricycle driver dahil sa agawan ng pasahero sa Maynila

Nagpapagaling na sa Bagong Ospital ng Maynila ang isang tricycle driver matapos saksakin ng isang pedicab driver sa lungsod ng Maynila.

Kinilala ang suspek na si Josepino De Pablo, 63 years old, tricycle driver habang ang biktima ay si Sonny Marbella, 62 years old na parehong residente ng Barangay 746, Malate, Manila.

Ayon kay Nilo Mallari, kagawad ng Barangay 746, pareho lamang ang sakayan ng tricycle at pedicab sa lugar kaya’t malaya naman ang mga pasaherong mamili kung saan sasakay.

Nataon lang aniyang parehong nasa unahan na ng pila ang biktima at suspek at pinili ng pasaherong sumakay sa tricycle dahil nagmamadali.

Kuwento niya, naihatid pa ng biktima ang kanyang pasahero at pagbalik sa pilahan ay dito na sinaksak ni De Pablo ang biktimang si Marbella.

Nairita aniya ang suspek dahil sa kanyang patiwari ay naagawan ito ng pasahero kaya’t kumuha ito ng kutsilyo saka sinaksak sa dibdib ang biktima.

Agad namang naisugod ang biktima sa ospital habang nananatiling at large ang suspek.

Facebook Comments