
Isinagawa ang Peer Power Summit mula Disyembre 10 hanggang 12, 2025 sa San Carlos City, Pangasinan, na may pangunahing layuning palakasin ang kaalaman ng kabataan tungkol sa HIV awareness at sex education.
Dumalo sa seminar ang mga Senior High School students mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod.
Tinalakay sa mga sesyon ang kahalagahan ng tamang impormasyon sa HIV prevention at responsableng pangangalaga ng kalusugan upang matulungan ang mga mag-aaral sa paggawa ng wastong desisyon para sa kanilang kinabukasan.
Pinangunahan ang programa ng City Health Office, katuwang ang mga kawani ng HIV Program at mga komunidad ng volunteers, na nagsilbing mga pangunahing tagapagsalita at facilitator ng mga talakayan.
Ayon sa mga tagapagpatupad, ang aktibidad ay nagsilbing plataporma upang buksan ang isipan ng mga kabataan at palawakin ang kanilang kamalayan sa mga isyung may kaugnayan sa kalusugan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









