Pangasinan – Nakumpiska ng mga otoridad ang ilang piraso ng piniratang DVD at CD sa bayan ng Mangatarem sa Pangasinan.
Ayon sa Mangatarem-Philippine National Police, nagsagawa sila ng operasyon sa pamilihang bayan ng mangatarem matapos makatanggap ng report mula sa isang concerned citizen na may mga nagbebenta ng pirated CDs at DVDs.
Agad silang nagtungo sa nasabing palengke kung saan tinatayang 60 piniratang DVDs at 77 na mga pirated CDs ang kanilang nakuha.
Hindi naman nila nahuli ang mga may-ari na nakilalang sina Muamar Manok at Nutaleb Kareem na agad na nakatakbo bago pa man dumating ang mga pulis.
Facebook Comments