Pekeng autopsy report ukol sa pagkamatay ni Jeanylyn Villavende, pinapa-imbestigahan ni Senator Gatchalian

175

 

 

Iginiit ni Senator Sherwin Gatchalian ang imbestigasyon sa pekeng autopsy report sa bangkay ng pinay household service worker na si Jeanelyn Villavende.


 

Diin ni Gatchalian, dapat malaman kung sino ang nasa likod ng nabanggit na pekeng autopsy report na inilutang ng Kuwait government.

 

Pahayag ito ni Gatchalian, makaraang lumabas sa autopsy ng National Bureau of Investigation na ginahasa si Villavende at dumanas ng matinding pagmaltrato na taliwas sa laman ng autopsy report mula Kuwait.

 

Para kay Gatchalian, ang pagbibigay ng pekeng autopsy report ng mga otoridad sa Kuwait ay insulto sa ating mga pilipino, insulto sa ating gobyerno at higit na insulto sa ating mga overseas filipino workers na naghihirap magtrabaho sa ibang bansa.

Facebook Comments