Iprinisenta sa mga mamahayag ng pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at National Capital Region Police Office (NCRPO) ang naarestong suspect na nagpapanggap na bumbero na nambibiktima ng mga establisyimento sa NCR, Region 4A , Region 3 at Region 2.
Nakilala ang suspect na iniharap sa media na si Cherry Grace Agustin De Leon, 27 years old.
Ayon may BFP Chief Director Louie Puracan, marami nang nabiktima ang suspek na may ilan pang kasamahan na hinahanap na ngayon sa kanilang follow-up operation.
Inilantad pa ni Puracan ang modus operandi ng grupo na nag-iikot sa mga business establishment at nagpapanggap na mga bumbero na kunwari at nagsasagawa ng fire safety inspection at irerekomenda na palitan o i-refill ang kanilang fire extinguisher at sinisingil ang mga may ari kung saan pekeng resibo ang iniisyu sa kanila.
Inaresto ang suspect na si De Leon sa warrant of arrest sa kasong Four (4) counts of Usurpation of Authority at four (4) counts of estafa sa Quezon City Prosecutors Office.
Pinaalalahanan ni Poracan ang mga may-ari ng establisyimento na huwag agad maniniwala sa mga nag iinspeksyon na mga bumbero dahil baka modus ito.
Paliwanag ni Poracan na dapat hanapan ng mission order ang bumbero na magpapatunay na lehitimo ang isinasagawang inspeksyon.
Dagdag pa ni Puracan, mahigpit na ipinagbabawal sa mga kawani at opisyal ng BFP ang pagbebenta at pagre-refill ng mga fire extinguisher.
Nakatakda naman na ikulong ang suspect sa Quezon City Jail.