Pekeng dentista sa Cagayan de Oro, naaresto sa entrapment operation ng C-I-D-G

Naaresto sa entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group o C-I-D-G Region 10 ang isang ina na nagpakilalang dentista at gumagawa ng pustiso.
Ito ang inihayag ni SPO4 Noel Oclarit ng C-I-D-G sa interview ng dxCC-RMN.
Ang suspek ay nakilalang si Angelica Eduria Garcia, 32 anyos, may asawa at taga Tagoloan, Misamis Oriental.
Nahuli ang suspek kaninang mga alas otso ng umaga sa Oceanic Building sa Barangay Macabalan dito sa Cagayan de Oro.
Ayon kay Oclarit na inirereklamo ng mga dentista na miyembro ng Philippine Dental Association ang suspek na umaabot na sa Iligan at Pagadian sa paggawa ng pustiso para kumita ng pera.
By: Kasamang Annaliza Amontos-Reyes

Facebook Comments