Pekeng Dentista, Timbog sa Operasyon ng NBI Isabela

259

Cauayan City, Isabela- Agad na dinakip ng National Bureau of Investigation (NBI) Isabela ang isang pekeng dentista sa Brgy. San Roque, Delfin Albano, Isabela.

Nakilala ang suspek na si Jerry Bumanglag,56-anyos at residente sa nasabing lugar.


Ayon kay NBI Provincial Director Timoteo Rejano, mahigit 20 taon ng umaakto bilang isang tunay na dentista si Bumanglag.

Aniya, isang residente ang nagbigay ng impormasyon sa mga operatiba dahil ang mismong anak nito ay nakaranas ng pamamaga ng ngipin ng kanyang ipasuri sa doktor dahil sa iniindang pananakit.

Giit pa ng NBI, hindi agad mapapansin na peke ang nasabing dentista dahil sa kumpletong sertipikasyon nito sa loob ng kanyang klinika.

Kinumpirma naman ng Philippine Dental Association-Isabela Chapter na hindi tunay na dentista ang suspek.

Kinumpiska rin ang mga kagamitan nito para sa kaukulang imbestigasyon.




Paalala naman ng mga awtoridad na sumangguni muna sa LGU para alamin kung nabigyan ng kaukulang permit ang isang dentista.

Sasampahan naman ng kasong paglabag sa RA 9484 o Philippine Dental Act of 2007 ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng NBI.

Facebook Comments