Pekeng doktor, naaresto ng NBI

Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang suspek na sinasabing iligal na nagpa-practice ng medisina sa Mandaluyong City.

Kinilala ng NBI ang suspek na si Gerlon Sadsad na nahuli sa entrapment operation sa kanyang condominium unit.

Nag-ugat ang operasyon sa sumbong hinggil sa pamamaga at pag-iba ng kulay ng balat ng biktima sa bahaging tinurukan ng suspek.


Matapos na makipag-ugnayan ang mga otoridad sa Professional Regulation Commission, natuklasan na hindi pala lisensyadong doktor si Sadsad.

Narekober din mula sa suspek ang syringes, needles, topical anesthesia. 0.9% sodium chloride, wooden spatula, alcohol swabs, kitchen wrap, gauze pad, at underpants.

Si Sadsad ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 2382 o The Medical Act of 1959 at estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code.

Facebook Comments