Pekeng FB page ni Chairman Garcia, pinabulaanan ng COMELEC

Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na walang Facebook page si COMELEC Chairman George Erwin Garcia.

Ito ay patungkol sa lumabas na ulat na mayroong social media account ang poll chief.

Sa pinalabas na statement ng COMELEC, fake account ang nakikita sa Facebook na may pangalang ‘Chairman George Erwin Garcia’.


Sabi ni Chairman Garcia ay mayroon lamang social media account at ito ay sa X, dating Twitter na, kung saan ipino-post ng poll chief ang kanyang mga anunsiyo.

Facebook Comments