PEKENG GAMOT | May-ari ng botika binawian ng lisensya at pinagmumulta ng FDA

Batangas City – Nahaharap sa kanselasyon ng kanyang license to operate ang isang drugstore owner sa Lipa, Batangas City dahil sa pagbebenta ng mga pekeng gamot.

Kinilala ni FDA Director General Undersecretary Nela Charade puno ang may-ari ng botika na si Noemi Hernandez ng Noemi’s Pharmacy na matatagpuan sa Lipa City Public Market.

Maliban dito pinagmumulta din ng ahensya si Hernandez ng kalahating milyong piso.


Matatandaan noong sinalakay ng mga operatiba ng FDA ang nasabing botika noong Abril nasamsam nila ang kahong kahong pekeng Mefenamic Acid Dolfenal 500mg tablets natuklasan ding hindi registered pharmacist ang nagbebenta ng gamut.

Maliban sa kasong administratibo, nahaharap din ang may-ari ng botika ng paglabag sa Republic Act 8203 at FDA Advisory No. 2016.141 dahil sa pagbebenta ng mga pekeng medisina.

Facebook Comments