Friday, January 23, 2026

Pekeng HR personnel na nag-aalok ng trabaho sa hotel sa Singapore, hinatulan ng korte

Hinatulang guilty ng Pasig City Regional Trial Court Branch 161 si Nyssa Zelena Deduque sa kasong illegal recruitment matapos siyang magpanggap bilang human resource (HR) personnel ng Stamford Singapore.

Nabatid na nag-aalok din si Deduque ng trabaho bilang chambermaid, HR assistant, at finance executive sa naturang hotel kapalit ng ₱75,000 na processing fee.

Matapos na makuha ng akusado ang mga processing fee ng mga biktima ay bigo itong mapalipad sa Singapore ang mga recruit.

Si Deduque ay hinatulan ng walong taong pagkakakulong at multang ₱1,000,000 alinsunod sa batas laban sa illegal recruitment.

Facebook Comments