Pekeng Korean film maker, inaresto ng Bureau of Immigration

Inaresto sa Pampanga ng Bureau of Immigration ang isang Korean national na wanted sa Seoul, South Korea matapos makatangay ng 200 million won para daw sa isang movie project.

 

Kinilala ang trenta’y otso anyos na Korean na si Kim Woo.

 

Si Kim ay isa na ring undocumented alien matapos na ikansela ng Korean gov’t ang kanyang passport.


 

Siya ay nasa illalim na rin ng Red Notice ng Interpol.

 

Natangay din daw ni Kim ang 129 million won mula sa mga biktima nito na hiniraman niya ng pera para sa idini-direk nitong pelikula.

 

Akusado rin si Kim sa pagtangay ng 107 million won mula sa mga naging biktima nito na hinikayat niyang maglagak ng investment sa isang negosyo.

Facebook Comments