Manila, Philippines – Nagbabala ang Department of Foreign Affairs sa mga naghahanap ng trabaho sa Canada.
Ito ay base narin sa na-monitor ng ating Embahada sa Ottawa na maraming kwestyunableng online recruitment para sa mga Overseas Filipino Workers.
Kasunod nito nagbigay ng tips ang DFA kung paano malalaman na bogus o peke ang online job offer.
1) Kung ang natanggap na email ay mula sa isang indibidwal o kumpanya at nakita ang inyong email at nagtugma umano sa kanilang job recruitment
2) high paying jobs na walang hinihinging ecperience
3) Kapag mali-mali ang spelling o grammar ng natanggap na job offer
4) Tignan din kung nagtutugma ang address ng recruiting company sa postal code
5) Tignan din kung tama ang area code ng telephone number ng recruiting company
6) Bogus din ang kumpanya kapag hindi ma-search ang background nito sa internet
7) Ang working visa fee ay ay babayaran sa recruiting company
8) Nanghihingi ang kumpanya ng administrative fees at direct deposit requirements
9) Kabiguang idetalye ang proseso ng Labor Market Impact ng kanilang employer
Paalala ng DFA kapag mayruong alam na bogus na recruiting company ay dapat isangguni agad sa Philippine Overseas Employment Agency o sa pinaka-malapit na Philippine Foreign Service Post.